My Bitcoin and other Cryptocurrencies are keep on growing

My portfolio just reached A$4010.57, it all started with just A$487.65 Today is October 20, 2021, My first day at work after almost three mo...

Cost of living sa Dubai

Dito sa Dubai dahil nga sa halos karamihan ng kompanya ay nag po provide ng pagkain, transportasyon at health insurance para sa mga empleyado nila ay masasabi ko na magaan ang pamumuhay dito dahil nga hindi mo na iisipin ang mga mabibigat na buwanang bayarin na mayroon tayo dyan sa Pilipinas katulad ng Ilaw, kuryente at tubig. Kahit pa sabihin natin na ang minimum na sweldo dito para sa ordinaryong empleaydo ay 1000 dirhams lang or mga 12,000 pesos eh okay na yan dahil buo naman yan at walang kaltas na katulad ng SSS atbp. Syempre dependi sa nature ng trabaho mo katulad ng mga nagta trabaho sa mga hotel at restaurant e may additional pa silang kita katulad ng TIPS at SERVICE CHARGES. Kung ikaw e single at walang gaanong obligasyon na magpadala ng pera dyan sa Pilipinas e sapat na para masunod mo ang luho mo at makabili ng gadget na kung nasa Pilipinas ka e malamang tamang tingin ka lang sa mga display ng gadget sa mall na katulad ng gawain ko non nandyan pa ako sa Pilipinas.
Isipin nyo na lang ang sweldo ko dati dyan e umaabot ng 13,000 pesos pero kalahati lang napupunta sa akin dahil nga sa mga kaltas. Kaya wala talaga akong maipon survival nga lang ang sweldo ko. Tuwing December yon lang ang maayos dahil kahit papano e may bonus at 13th month pay kaya nakakabili ako ng gusto ko, at yon lang din yon panahon na nakakapag bigay ako ng regalo sa mga mahal ko sa buhay.

Malaki ang difference ng mga bagay bagay lalao na ng presyo ng bawat bagay dito sa Dubai at dyan sa Pilipinas. Noong nandyan pa ako sa Pilipinas sabi nila mura daw ang electronics dito katulad ng Laptop, PSP, TV atbp. pero kung iisipin eh halos pareho rin at kung mura man eh kunti lang ang difference pero yon nga can afford na makabili ang mga pinoy dito. suma total nga mas mahal pa ang mga bilihin dito. may mga lista ako ng mga bilihin dito ng mga produktong pinoy.

555 Sardines     =  1.75 aed
Century Tuna    =  3.50 aed
Lucky me Pancit canton 6 pcs  = 6.00aed
Maggi seasoning = 6.95aed
5 kg Jasmine rice = 27.00aed
Nescafe My Cup = 23.50aed
1 tray of egg =  17.00aed
Dove pink bath  = 5.95aed
Skinwhite bath  = 4.00aed
UFC native vinegar 3.75aed
Argentina corned beef  = 4.50 aed

Apple Ipad 2 16gb = from 1899aed to  2.200aed
Nokia C7 = 1100aed
PSR e333 Yamaha keyboard = 800.00 aed
Laptop ranging from 2000.00aed to 5000.00 aed

Room rental 1 month =500.00aed/month
Taxi fare = 10.00aed minimum
Bus and Train fare = 2.00aed minimum to be deduct from the prepaid card.

Chowking Shanghai lauriat = 29.00aed
Tapsilog = 13.00aed
KFC chicken = 12.00aed
Mc Donalds Big Mac = 18.00aed
Restaurant = 50.00 / person
1st class Restaurant = 250.00 aed/ person 3 course
Fine Dining restaurant = 500.00aed/person 3 course

Ang mga ito eh dito lang sa dubai at iba ang presyo ng ibang emirates na katulad ng sa Abu Dhabi na kung saan e mas mura ayon sa mga tao don. katulad ng taxi fare na nasa 3aed lang talaga on specific km.
Madalas na may sale dito or mga promotion sa mga ibat ibang produkto ang mga shopping malls at mga shops dito at masasabi ko na malaki talaga ang discount na binibigay nila.








Bakasyon sa Bayang Sinilangan

After almost four years na namalagi at nagtrabaho ako sa Dubai ay sa wakas at nandito na ako sa Pilipinas. Ang plano ko talaga sa pagbabakasyon ko dito sa Pilipinas ay maghanap ng panibagong trabaho na hanggat maari ay hindi na sa middle east, kaya ngayong mga araw na ito ay naghahanap ako ng trabaho habang namamasyal na rin sa kamaynilaan. Syempre bago pa ako mag a apply ay umuwi muna ako sa aking magulang at mga kapatid sa aming probinsya para ibigay ang mga pasalubong. Ibinili ko ng tig iisang desktop computer ang tatlo kong kapatid para sa pag aaral ng mga anak nila.


At ngayon nga ay nandito ako sa isang boarding house dito sa malate, umupa ako ng isang kwarto na nagkakahalaga P8000 sa isang buwan na pag stay ko. Maayos naman itong boarding house apat na palapag, safe naman dahil may gate may tatlong pinto na di susi bago makarating sa kwarto, kasama na rin ang supply ng tubig na inumin, libre na din ang gamit ng cooking stove, may TV, cleaning service ng room na libre na rin. at ang pinaka gusto ko e may WiFi na kasama na nga sa P8000 na binayaran ko. Karamihan din ng mga nakilala ko dito e mga transient din o yong panandlian lang ang pag rerenta ng kwarto dahil papaalis na din sila, mga seaman at katulad ko ngang OFW. Mayron ding mga estudyante at yong mga iba nga ay hindi ko naman nakakwentuhan lalo na yong nasa ibang floor. Medyo mainit dahil hindi aircon pero may electric fan naman pero hindi ako comportable sa electric fan na nakatutok sa katawan, ito nga seguro ang dahilan kaya ngayon e sinisipon ako at medyo gumagaling galing na nga lagnat ko.


Sa mga araw na nag hahanap ako ng trabaho hindi ko maiwasang isipin na mahirap pala talaga ang buhay dito sa Pilipinas. Sa pag lalakad sa lansangan makikita natin mga street children, pamilyang natutulog sa bangketa, mga matanda na nagtitinda ng kinde at sigarilyo sa tabi ng daanan. Eh nong bagong dating nga ako mga bandang ala una ng madalaing araw at kakatapos lang ng ulan, kumain ako sa Mc Donald 24hours open sa may Taft ave. I took away the coffe na kasama ng kinain ko, pag tawid ko sa kabilang kalsada sa may 7-11 e may matandang babae don na hindi ko maintindihan ang ginagawa at hindi ko mawari ang katayuan, Inisip ko e baka gutom kaya binigay ko yong coffee na hawak ko, di ko pa naman nainuman yon. dumukot na rin ako sa bulsa at binigyan ko ng P100 at umalis na ako. Nong minsan na napadaan ako sa lugar na yon e nandon yon matanda at nag titinda pala sya ng mga kendi don, hindi ko sukat akalain na namukhaan pala niya ako at ako ay kanyang tinawag at siya ay nag kwento na inagaw daw yong mga paninda nya noon kaya pala ganon ang hitsura nya non mabutan ko sya don.


Maswerte pala ako at may trabaho ako, Iniisip ko bakit nakikipag agawan pa ako ng trabaho dito sa mga aplikanteng nakakasabay ko sa mga recruitment agency. Hindi ba dapat ipaubaya ko na lang sa kanila ang anomang trabahong inaaplayan nila? Pero syempre hindi ganon ang buhay may mga pangarap ako, tayong lahat ay may mga pangarap na gusto nating abutin. Katulad ko gusto kong makarating sa ibat ibang panig ng mundo at magtrabaho nga kung may pagkakataon. Tinitiis ang init ng araw, tumatakbo para makaalis sa ulan, nakikipag siksikan sa MRT, nag la lunch ng skyflakes at softdrinks. nag pupunas ng pawis at basa na ang likod ilan lang ito sa mga sakripisyo ng mga taong naghahanap ng trabaho, kung minsan pa nga ay pamasahe lang ang pera at may baon na lang na kendi at kung masama sama e segarilyo lang ang dala.


Kung may trabaho ka nga dito sa Pinas at ordinaryong empleyado ka, tulad ng service crew, sales lady sa mall, factory worker, waiter etc. Dapat single ka para maayos at masabing maganda ang buhay mo. Natatandaan ko non dito pa ako sa Pilipinas nagtatrabaho bilang service crew e okay lang naman ang buhay nag b bedspace ako ng P1600 cada buwan, nakakakain ako nga maayos sa araw araw, latest pa ang cellphone ko at kung minsan e nakakagimik pa nga. Yon nga lang walang ipon. Sabi ko nga e pang single at pang survival lang ang sweldo ng isang ordinaryong empleyado dito sa Pinas.


Naalala ko yong sinabi ng kaibigan ko na naaawa daw sya sa asawa niya na nagtatrabaho dito sa Pilipinas. Gumigising ng maaga para ipaghanda ng pagkain ang papasok sa school nilang anak, at sya din ay papasok sa trabaho matatraffic mainit sa biyahe, at pag uwian naman e mahaba ang pila sa sakayan at sa gabi ay tuturuan pa nya sa mga assignment ang kanilang anak. Samantalang sa abroad aircon ang bahay, aircon ang sasakyan, aircon sa trabaho at wala ng pila sa pag aantay ng sasakyan. Hindi na magluluto dahil may libreng cafeteriang kakainan.


At sa pagbabakasyon kong ito wala akong magawa kung hindi ang e kumpara ang buhay dito at doon. Pero syempre mas maganda pa rin sana kung dito na lang sa Pilipinas katulad nga ng sinabi ko na sana makahanap ako ng bagong trabaho na hindi sa middle east. Ang problema nga lang e hindi sapat ang kinikita ng isang ordinaryong kahit na nagsikap ay hindi nakapagtapos ng pag aaral. Kaya kayo lalo na mga kabataan mag aral kayong mabuti, at least mag focus kayo sa ENGLISH para kahit papano hindi nyo na kailanganing umalis ng Pilipinas para kumita ng malaki laki. Malaking tulong itong call center job sa atin.






My nokia c7 is amazingly plays a movie

Ilang buwan na rin sa akin itong Nokia c7 pero nakakatuwa na hanggang ngayon e may mga bago pa rin akong natutuklasan sa mga features nito. Kagabi nga sinubukan ko na mag copy paste ng isang buong movie from my computer papunta sa nokia C7 ko and then may option na kailangang e convert for good video quality, and the other one is just copy paste it. Pinili ko na e convert pero i noticed na it takes time at nainip ako kaya na cancel ko. then i tried to copy paste it which last only not more than 2 minutes at yon na copy. I go to bed and try to watch it pero ayaw mag play. and then kinaumagahan itried to play it again and done... it very nice than it plays in good audio, video quality.. Its AMAZING.... Ang nakatuwa pa it always play in a landscape mode kaya walang problema kahit na anong pwesto pa ang gawin kong higa habang nanonood sa ilalim ng kumot. ha ha ha. yong mga nakaraang phone kc they play movies pero need to convert to mp4 etc and pag iniba mo ng pwesto yon phone e nakaka irita na lumiliit yong screen.

Buhay sa Dubai

Kay bilis ng panahon, aba eh tatlong taon na pala ako dito sa Dubai, Samantalang kelan lang e iniinterview ako ng management ng Four Seasons Hotel and Resort para mag trabaho sa kanila. E syempre sa takot ko dahil middle east ang pupuntahan. Inisip ko na baka pagdating ko sa Dubai e hindi ko na maranasan ang ganitong buhay dahil sa middle east nga at arabic country. Pero hindi naman pala ganon. Para sa akin maganda ang buhay namin dito sa Dubai lalo na kung binata , dalaga or walang gaanong responsibilidad na padadalhan sa Pilipinas, Karamihan sa mga kompanya ay nag po provide nang lahat ng basic needs ng empleyado katulad ng bahay, pagkain transportation papunta at pauwi sa bahay at trabaho at pamamasyal. Kung wala ka ngang luho or hindi mapili sa pagkain e maiipon mo ng buong buo ang sweldo mo. Pero Hindi rin ganon dahil nagkalat din sa Dubai ang ibat ibang libangan at pagkakagastusan, segurado e mapipilitan ka na bumili ng mga gadget na naglipana sa mga naglalakihang malls. Kung ikaw e ordinaryong empleyado sa Pilipinas for sure maliit ang chance na makabili ka ng mamahaling bagay or mga latest na gadget pero pag dito sa dubai e for sure makakabili ka kahit na buong sweldo mo pa yan dahil segurado naman na kakain ka makakapasok ka at makakasurvive ka kahit na walang pera. I know mali ang ganitong pananaw kaya I changed, nagsimula na akong mag save para sa mga future plan. Pero hindi lahat ganito ang kwento. God Bless Kabayan