Kay bilis ng panahon, aba eh tatlong taon na pala ako dito sa Dubai, Samantalang kelan lang e iniinterview ako ng management ng Four Seasons Hotel and Resort para mag trabaho sa kanila. E syempre sa takot ko dahil middle east ang pupuntahan. Inisip ko na baka pagdating ko sa Dubai e hindi ko na maranasan ang ganitong buhay dahil sa middle east nga at arabic country. Pero hindi naman pala ganon. Para sa akin maganda ang buhay namin dito sa Dubai lalo na kung binata , dalaga or walang gaanong responsibilidad na padadalhan sa Pilipinas, Karamihan sa mga kompanya ay nag po provide nang lahat ng basic needs ng empleyado katulad ng bahay, pagkain transportation papunta at pauwi sa bahay at trabaho at pamamasyal. Kung wala ka ngang luho or hindi mapili sa pagkain e maiipon mo ng buong buo ang sweldo mo. Pero Hindi rin ganon dahil nagkalat din sa Dubai ang ibat ibang libangan at pagkakagastusan, segurado e mapipilitan ka na bumili ng mga gadget na naglipana sa mga naglalakihang malls. Kung ikaw e ordinaryong empleyado sa Pilipinas for sure maliit ang chance na makabili ka ng mamahaling bagay or mga latest na gadget pero pag dito sa dubai e for sure makakabili ka kahit na buong sweldo mo pa yan dahil segurado naman na kakain ka makakapasok ka at makakasurvive ka kahit na walang pera. I know mali ang ganitong pananaw kaya I changed, nagsimula na akong mag save para sa mga future plan. Pero hindi lahat ganito ang kwento. God Bless Kabayan