After almost four years na namalagi at nagtrabaho ako sa Dubai ay sa wakas at nandito na ako sa Pilipinas. Ang plano ko talaga sa pagbabakasyon ko dito sa Pilipinas ay maghanap ng panibagong trabaho na hanggat maari ay hindi na sa middle east, kaya ngayong mga araw na ito ay naghahanap ako ng trabaho habang namamasyal na rin sa kamaynilaan. Syempre bago pa ako mag a apply ay umuwi muna ako sa aking magulang at mga kapatid sa aming probinsya para ibigay ang mga pasalubong. Ibinili ko ng tig iisang desktop computer ang tatlo kong kapatid para sa pag aaral ng mga anak nila.
At ngayon nga ay nandito ako sa isang boarding house dito sa malate, umupa ako ng isang kwarto na nagkakahalaga P8000 sa isang buwan na pag stay ko. Maayos naman itong boarding house apat na palapag, safe naman dahil may gate may tatlong pinto na di susi bago makarating sa kwarto, kasama na rin ang supply ng tubig na inumin, libre na din ang gamit ng cooking stove, may TV, cleaning service ng room na libre na rin. at ang pinaka gusto ko e may WiFi na kasama na nga sa P8000 na binayaran ko. Karamihan din ng mga nakilala ko dito e mga transient din o yong panandlian lang ang pag rerenta ng kwarto dahil papaalis na din sila, mga seaman at katulad ko ngang OFW. Mayron ding mga estudyante at yong mga iba nga ay hindi ko naman nakakwentuhan lalo na yong nasa ibang floor. Medyo mainit dahil hindi aircon pero may electric fan naman pero hindi ako comportable sa electric fan na nakatutok sa katawan, ito nga seguro ang dahilan kaya ngayon e sinisipon ako at medyo gumagaling galing na nga lagnat ko.
Sa mga araw na nag hahanap ako ng trabaho hindi ko maiwasang isipin na mahirap pala talaga ang buhay dito sa Pilipinas. Sa pag lalakad sa lansangan makikita natin mga street children, pamilyang natutulog sa bangketa, mga matanda na nagtitinda ng kinde at sigarilyo sa tabi ng daanan. Eh nong bagong dating nga ako mga bandang ala una ng madalaing araw at kakatapos lang ng ulan, kumain ako sa Mc Donald 24hours open sa may Taft ave. I took away the coffe na kasama ng kinain ko, pag tawid ko sa kabilang kalsada sa may 7-11 e may matandang babae don na hindi ko maintindihan ang ginagawa at hindi ko mawari ang katayuan, Inisip ko e baka gutom kaya binigay ko yong coffee na hawak ko, di ko pa naman nainuman yon. dumukot na rin ako sa bulsa at binigyan ko ng P100 at umalis na ako. Nong minsan na napadaan ako sa lugar na yon e nandon yon matanda at nag titinda pala sya ng mga kendi don, hindi ko sukat akalain na namukhaan pala niya ako at ako ay kanyang tinawag at siya ay nag kwento na inagaw daw yong mga paninda nya noon kaya pala ganon ang hitsura nya non mabutan ko sya don.
Maswerte pala ako at may trabaho ako, Iniisip ko bakit nakikipag agawan pa ako ng trabaho dito sa mga aplikanteng nakakasabay ko sa mga recruitment agency. Hindi ba dapat ipaubaya ko na lang sa kanila ang anomang trabahong inaaplayan nila? Pero syempre hindi ganon ang buhay may mga pangarap ako, tayong lahat ay may mga pangarap na gusto nating abutin. Katulad ko gusto kong makarating sa ibat ibang panig ng mundo at magtrabaho nga kung may pagkakataon. Tinitiis ang init ng araw, tumatakbo para makaalis sa ulan, nakikipag siksikan sa MRT, nag la lunch ng skyflakes at softdrinks. nag pupunas ng pawis at basa na ang likod ilan lang ito sa mga sakripisyo ng mga taong naghahanap ng trabaho, kung minsan pa nga ay pamasahe lang ang pera at may baon na lang na kendi at kung masama sama e segarilyo lang ang dala.
Kung may trabaho ka nga dito sa Pinas at ordinaryong empleyado ka, tulad ng service crew, sales lady sa mall, factory worker, waiter etc. Dapat single ka para maayos at masabing maganda ang buhay mo. Natatandaan ko non dito pa ako sa Pilipinas nagtatrabaho bilang service crew e okay lang naman ang buhay nag b bedspace ako ng P1600 cada buwan, nakakakain ako nga maayos sa araw araw, latest pa ang cellphone ko at kung minsan e nakakagimik pa nga. Yon nga lang walang ipon. Sabi ko nga e pang single at pang survival lang ang sweldo ng isang ordinaryong empleyado dito sa Pinas.
Naalala ko yong sinabi ng kaibigan ko na naaawa daw sya sa asawa niya na nagtatrabaho dito sa Pilipinas. Gumigising ng maaga para ipaghanda ng pagkain ang papasok sa school nilang anak, at sya din ay papasok sa trabaho matatraffic mainit sa biyahe, at pag uwian naman e mahaba ang pila sa sakayan at sa gabi ay tuturuan pa nya sa mga assignment ang kanilang anak. Samantalang sa abroad aircon ang bahay, aircon ang sasakyan, aircon sa trabaho at wala ng pila sa pag aantay ng sasakyan. Hindi na magluluto dahil may libreng cafeteriang kakainan.
At sa pagbabakasyon kong ito wala akong magawa kung hindi ang e kumpara ang buhay dito at doon. Pero syempre mas maganda pa rin sana kung dito na lang sa Pilipinas katulad nga ng sinabi ko na sana makahanap ako ng bagong trabaho na hindi sa middle east. Ang problema nga lang e hindi sapat ang kinikita ng isang ordinaryong kahit na nagsikap ay hindi nakapagtapos ng pag aaral. Kaya kayo lalo na mga kabataan mag aral kayong mabuti, at least mag focus kayo sa ENGLISH para kahit papano hindi nyo na kailanganing umalis ng Pilipinas para kumita ng malaki laki. Malaking tulong itong call center job sa atin.
No comments:
Post a Comment