My Bitcoin and other Cryptocurrencies are keep on growing

My portfolio just reached A$4010.57, it all started with just A$487.65 Today is October 20, 2021, My first day at work after almost three mo...

Sensitisibong Filipino.

David Letterman asked Lucy Liu if she likesrunning outdoors or indoors, the Hollywood actress of Chinese descent said: “I run in a machine. It's easier for me. Also if I get really dark, I'll start to look a little Filipino, it wouldn't match. If I start getting darker, you know what I mean? I can get really dark if I’m in the sun too much.”  

Isa ito sa napag usapan ng charles angel actress na si Lucy Liu sa interview with David Letterman. At katulad ng inaasahan marami na namang mga Pinoy ang mag rereact sa napaka simple at wala namang masamang intensyon na pahayag ni ms. Liu. Normal na sa mga asyano na umiitim kapag natatagalan sa sikat ng araw at isa tayo sa mga tao na yan na ayaw umitim ang kulay ng balat.  Mas matindi pa nga tayong mga Pilipino dahil sari saring mga pam pa puti ang pinapahid natin sa ating katawan para hindi mangitim at pumuti pa nga ang gusto natin.

Dahil updated sa internet ang karamihan sa ating mga Pilipino eh walang nakaka lusot na balita sa atin lalo na kung mababanggit ang salitang Filipino. Charice Pempenco, Jessica Sanchez, Manny Pacman, hollywood half pinoy actors,  at mga foreigner na bumisita sa Pilipinas. Sa youtube, sa forums kung papansinin natin eh eh halos proud to be Filipino ang mga comment ng mga tao.

Tayong mga Pilipino eh masyadong sensitibo sa mga salitang binibikas ng iba. At kung makapag react tayo eh masyadong expressive. 

SOGO Hotel Six Hours Stay

Hindi ko inaasahan na malinis, maayos at walang amoy ang SOGO Hotel dito sa Pasay Rotonda. The room is very good.



Ngayon ang huling gabi ko ko dito sa Pilipinas at may natitira pa akong anim na oras bago pumunta sa airport at bigla kong naisipan na mag check in sa hotel na malapit sa airport. Subalit naisip ko na  1500 pesos ang pinakamura sa mga maayos na hotel na aking nalalaman kaya naisipan ko na sumubok sa mga short time hotel ng mga mag syota at magkalagoyo para makatipid.

Sogo hotel nga ang naisipan ko. Sa labas eh alanganin pa akong pumasok dahil maraming nakatambay na mga tao na may ibat ibang ayos. Inisip ko mga taong bayaran. Pag pasok ko sa loob eh nagulat ako dahil madaming tao, at mas lalo akong nagulat dahil may number pa at ikasampo pa ako bago tawagin sa counter.



Nong ako na ang tinawag, agad kong sinabi na 6 hours lang. 840 pesos daw deluxe room ang available at agad they asked for my payment. Wala akong cash kaya binayad ko e debit card.
They gave me the key at 2 bottled water. Maayos at presentable naman ang mga staff. Nagulat lang ako dahil pag short stay pala eh hindi man lang tinanong pangalan ko, hindi man lang ako hiningan ng ID.
Tama lang naman ang laki ng hallway at malinis. Pag pasok ko sa kwarto ay yon nga at nasorpresa ako dahil malinis, maayos at walang nakaka inis na amoy sa kwarto. Malinis din ang banyo. Naalala ko tuloy yong isang kadiri na hotel room ng isang hotel sa may tapat ng Robinson.

Dahil sa pag stay ko dito eh nagbago ang pag iisip ko. Tama pala yon password ng wifi nila. socleansogood.


Things to do at Singapore and Singapore airport.


Bago umuwi sa Pilipinas ay nag stopover muna kami ng kaibigan ko ng  dalawang araw sa Singapore. Bagamat nag research kami ng mga bagay sa internet ng tungkol sa Singapore eh iba pa rin talaga kapag nandoon ka na. Kum baga eh idea lamang ang nakuha namin at wala kaming lakas ng loob na suungin ang syudad ng hindi nagtatanong.

Changi airport syempre ang simula ng lahat. Aam nyo ba na hindi ka maiinip habang nasa loob ka ng changi airport dahil sa dami ng pweding pag libangan doon.
Free wifi access
Computer both
Gaming both
Cinema
Shops and restaurant
Gardens
Swimming pool
Free Singapore bus tour - at least you have 5 hours stopover in the airport.
Lounges and so much more.          

Totoo nga na malinis ang Singapore sa business and shopping mall area, pero sa parting residential like  gaylang area eh halos pareho lang din naman ng Pilipinas , may kunting kalat pero hindi grabe. Nakakita din ako ng mga local na nagtatapon ng upos ng segarilyo sa kalsada pero suma total eh nakakalamang pa rin ang mga tao na may disiplina. 

Kung ihahambing ko nga eh masasabi ko na mas maganda pa ang Bonifacio Global City sa Taguig. Kung ganito ang magiging hitsura ng Pilipinas eh mas magiging proud ako sa bansa natin. 

Dahil nga sa mga bawal na naka paskil sa mga daanan sa Singapore eh minsan eh nakakatakot rin na baka mayron silang mga bawal na hindi nakasulat. Napaka mahal po ng multa kung sakaling magawa mo ang mga pagkakamali na yon. Bitay pa nga ang katumbas ng malaking pag suway katulad ng illegal drugs.

Kung sakaling mag to tour kayo sa Singapore ng 3 days eh bumili kayo ng tourist prepaid card na pambayad sa mga transportation nila lalo na sa tren na nakakalito sa dami. 30 SD lang naman yon at  e re refund pa yon 10SD pag sinuli nyo yon card. At unlimited ride na po yon.

Murang hotel eh nasa 100SD 2 days na yon, isang kwarto na may malaking bed kasya ang dalawang tao. Wala pang breakfast yon. 

Mahal po ang mga pagkain sa Singapore, lalo na po kung mahilig kayong mag convert eh manghihinayang po kayo pera ninyo. Hawker ang tawag sa mga turo toro at karenderia doon, kumain ako ng isang chicken and rice with softdrinks eh nasa 7SD na po sya. Samantalang dito sa atin eh 75PHP lang sa Mc Donald.

Dahil bawal pong mag sigarilyo sa public place eh napakamahal po ng segarilyo doon. Yong mga kasama ko nga dati sa Dubai na lumipat sa Singapore eh huminto na po sa pag sisigarilyo.

China town, little india, marina bay sands, merlion at kung ano ano pa pong lugar ang magandang puntahan doon. Pero siguradohin nyo po na pumunta sa Sentosa Island dahil nandon po ang lahat ng klase ng attractions at adventure na masarap ma experience.

10SD po ang ticket sa tren na papunta sa Sentosa Isalnds, balikan na po yon at unlimited na po yon sa loob ng sentosa sa bus at tren sa pag lipat lipat nyo sa mga magagandang attractions, parks, beach at mountain doon. Subrang dami ng adventure na pwede nyong gawin katulad ng zipline, climbing, jumping at kung ano ano pa. Mga rides na nakakatakot sa tuwa katulad ng cable car na subrang na enjoy ko. Medyo mahal pero may packages naman po at sulit naman po pagkatapos.

Ang nakakatuwa po eh subrang dami po ng mga babae na mahilig magsuot ng short shorts at ang gaganda nilang tingnan. Mga fashionista naman ang mga kalalakihan na mapapansin sa style ng kanilang buhok.

Hindi ko malilimutan yong dalawang matandang Indonesian na nasa Left baggage counter sa Changi airport na mayabang.  Kung sakali po na may malaki at mabigat kayong bagahe e pwede nyo pong iwanan sa left baggage counter sa changi airport. Dalawang mayabang na Indonesian po ang nagbabantay don at nagmamagaling. 







Kailngan mo bang maging Gentleman sa ganitong sitwasyon?

Kanina bandang 6 o'clock ng hapon at punong puno ang MRT habang ako ay makaupo sa sa parting dulo ng upuan ay may dalawang babae na pareho ng uniforme at nag uusap tungkol sa kanilang trabaho. Kahit na punong puno at siksikan nga ang mga pasahero eh nangingibabaw ang kanilang boses. Hanggang dumating sa punto na pinag uusapan na nila ang isang ka opisina at pinagtatawanan pa nila ito.
Sa puntong ito naisip ko lang na sa ganitong eksena na punong puno ang tren, mahirap makasakay at isa pa ay mahirap makaupo. Kailangan bang maging gentleman ka sa mga babae na ganito ang ipinapakitang pag uugali?
Sa aking opinyon ang pagiging gentleman ng isang lalake eh naka dependi sa kanyang pagkatao at sitwasyon. May mga pagkakataon na nararamdaman natin na kailangan nating magbigay, magpaubaya para sa mga kababaihan at mga matatanda, Kahit na ano pa ang natutunan nating pag uugali nila.

Ang mga People with disabilities or PWD, mga buntis eh syempre all the time kailangan nating maging gentleman para sa kanila.

Dapat na unawain ng mga kababaihan na sa panahon ngayon na mahirap makasakay, mahirap maka upo, mahirap makakuha ng taxi at higit sa lahat first come first serve na ang modernong sistema ng buhay. Hindi mo masi sisi ang mga kalalakihan kung hindi kami maging gentleman para sa inyo.

Swerte nga itong mga magaganda dahil instinct na para sa mga kalalakihan ang maging maginoo sa kanila.

Ikaw deserving ka ba?


Ano Talaga ang gusto mong maging?

Kagabi habang umuulan ay naisipan kong yayain ang dalawa kong kapatid na pumasok sa PadisPoint Metro East. Sa pagkaka alam ko eh bihirang maka pasok sa mga ganitong lugar ang aking mga kapatid dahil nga sa mahirap ang buhay namin dito sa Pilipinas. 

Sa Dubai ay may mga night club din at karaniwan pa nga ay Filipino night clubs, at masasabi ko na mas okay kumpara dito sa Pilipinas dahil doon ay bukod sa live band eh may mga sing dance group pa na katulad ng SexBombs. Natutuwa nga ako at subrang ini enjoy ko ang panonood ng ganito. 

Sa tutoo lang kung magkakaroon ako ng pagkakataon at lakas ng loob ay gusto ko munang maging performer sa stages. Actually dahil nga sa wala akong oportunidad sa ganitong propesyon eh sa YouTube ko na lang dinadaan ang lahat. Kahit na papaano eh na e e express ko ang pagnanaiis na kumanta at panoorin ng mga tao, hindi man ganon karami ang nag b view eh okay na rin yon.

Kayo? This time of your life. What do you want to be?


Half Filipinos


Sa mga lugar na katulad ng Dubai kung saan napakarami ng expat, syempre madami ding Filipino.
Sa Hotel na nga lang na pinapasukan ko eh mahigit 50 nationality na at  ilan na nga dito eh mga puti, itim at mga kayumanggi na kakulay nating mga Pinoy.

Sa tutuo lang marami sa mga Filipina na kilala ko dito eh may mga kasintahan na ibang lahi. Hindi ko rin gaanong masabi kase naman eh mabait din at masuyo itong mga ibang lahi lalo na kapag gusto nila itong isang Filipina. Ayaw ko lang minsan eh masyadong bulgar itong ibang lahi na nagk kwento ng hindi dapat e kwento sa mga kasama.

Ito namang mga lalaking Pinoy eh puro pantasya lang lalo na sa magagandang  ibang lahi, Walang lakas ng loob na manligaw. Hindi ko masabi kung talagang pantasya lang nating mga pinoy ang mga babaeng ibang lahi, o talagang mas gusto pa rin natin ang mga Pinay.
Para sa akin mas angat pa rin ang ganda ng mga Pinay na magaganda kesa sa magagandang ibang lahi na nagkalat dito sa Dubai. Nakakalungkot nga lang isipin na karamihan sa kanila ay sa ibang lahi pumapatol.

Madalas na humahantong sa kasalan ang pag ibig nitong Pinay at ng ibang lahi kung kaya naman ay nagkakaron sila ng magandang anak. Kahit pa sabihin natin na pangit yong lalake eh maganda or gwapo pa rin yong nagiging anak nila dahil sa lahi ng Filipina.

Cheap Electronics in Dubai

Sabi nila mura daw ang electronics at pabango dito sa Dubai? Padala ka naman. Yan yong sabi nong kaibigan ko na nagpapabili sa akin ng telepono. nabalitaan nya kase na mura daw ang electronics dito. mura nga kung mura, I mean affordable naman talaga dahil madalas eh nag si sale dito sa Dubai. Hindi rin naman ako updated sa presyo ng mga electronics dyan sa Pilipinas kaya hindi ko masasabi kung talaga ngang mas mura dito. Eh iniisip ko rin kase kung bibili ako dito tapos ipapadala ko via courier katulad ng DHL, eh malamang ganon din ang kakabagsakan ng presyo dahil sa mahal ng charges sa pagpapadala.



Anyway just for your information. Madalas na nag si sale dito sa Dubai ang mga shopping mall, mga electronics shop atbp. May mga annual shopping festival katulad ng Dubai Shopping festival, Dubai Summer Surprise. Gitex electronics festival at kung ano ano pa. Bukod pa dyan yong mga seasons sale, Holiday sale, part sale.

May mga monthly offerings din ang mga shop and supermarket dito na talaga namang dinarayo dahil talaga namang nakaka engganyo ang pagbili. Katulad na lang ng 25 pages na catalogue na ito kung saan pinapakita ang deskripsyon ng produkto pati na rin ang mababang presyo.

Kung gusto nyong e compare ang presyo ng electronics dyan sa Pilipinas at electronics dito eh stable po ang currency ng UAE sa 3.65AED per 1US$. At sa Peso naman po eh 1AED is around 11php to 12php.

Ito po yong site ng ilan sa mga shops and hypermarket na paboritong puntahan lalo na kung sale ng electronics ang pag uusapan.
Geants Hypermarket.
Carrefour Dubai
Sharaf DG

Click nyo lang yon current offerings nila or yon catalogue nila. updated naman yan parati.

Ang evolution ng Banyo sa Buhay ko.

Nakakatuwang maalala na noon eh sa baryo pa kami nakatira, Wala pang gaanong tao noon sa lugar namin na magkakalayo ang bahay, walang kuryente, walang gripo, walang kahit anong klase ng makina, walang technology.

Bata pa ako noon at kung saan saan lang sa paligid ng bahay dumudumi, tinatabunan na lang ng mga kapatid ko ng lupa para hindi matapakan. At ng nagkakaisip na nga ako eh tinuroan na ako na sa kaselyas na dumumi. Kaselyas ang tawag namin sa banyo sa Quezon province. Malayo ang kaselyas namin sa bahay, mga 30 metro ang layo kaya  may kasama pa ako pag pupunta sa banyo at binabantayan pa ako baka kase mahulog ako sa butas. Isang malalim na hukay ang kaselyas namin, na nilagyan ng kawayan na sahig, na nilagyan ng butas kung saan doon ka uupo sa tapat ng butas. May dingding na pinag tagpi tagpi na sasa, at coconut leaves, at walang bubong. Nakakagulat nga minsan dahil minsan eh may palaka sa likod ko at tumatalon talon. Eh ang nakakatakot minsan eh baka may ahas.

Walang tubig doon dahil mahirap mag igib ng tubig at malayo ng 50 metro sa bahay namin at 70 metro sa kaselyas. kaya madalas eh papel ang pampunas, ang masaklap eh pag walang papel eh bunot ng niyog or yong balat ng niyog na tuyo at minsan din eh dahon, kung anong madampot. Can you imagine kung ano ang pakiramdam.

Six years old ako ng lumipat sa bayan ang pamilya namin, at doon eh pakunti kunti na kaming nakakatikim ng technology. May TV yong kapitbahay namin at nakikipanood ako at ang iba pang mga kapitbahay. Magkakalapit na ang mga bahay at marami na akong kalaro. At higit sa lahat concreto na ang banyo namin at may drum na lalagyan ng tubig. Nag iigib pa rin sa balon pero hindi na ganon kalayo.

Sixteen years old ako ng pumunta ako sa Maynila, actually sa cainta Rizal, para mag aral, nakitira ako sa bahay ng pinsan ko na may kaya sa buhay. Sa panahon noon eh updated sa technology ang pamilya ng pinsan ko. TV, kotse, at kung ano ano pa. At higit sa lahat ang banyo dito eh may shower, may gripo, may toilet bowl na may flusher. Tudo dekorasyon pa, may salamin, lababo, kurtina floormat at higit sa lahat malinis at mabango.

Sa Maynila kung saan ako namalagi ng matagal eh sari saring  banyo na rin ang nakita ko. Mga banyo ng school, goverment agency, bus terminal. lahat ng ito eh wala kang aasahan na maganda o maayos. Segurado parating busy or full kaya wala gaanong time para makasingit sa paglilinis ang janitor kaya malamang eh mapanghe at madumi. Medyo okay sa mga Banyo ng shopping malls kahit na busy eh malinis pa rin at maayos ang amoy. Ang problema nga lang eh walang tissue paper or tubig. Dependi rin naman sa mall, ang iba eh okay at kumpleto at ang iba ay karaniwan.

Dito sa Dubai eh okay ang mga banyo.  Sa tutuo lang dito ko unang nakita at hindi ko naiisip dati na mayron palang water sprayer at hindi na kailanagn ng tabo. Bukod sa water sprayer eh may tissue paper pa. samantalang nong bata pa ako eh parehong wala  ang bagay na ito sa aming banyo. Naitanong ko nga sa kasama ko dati bakit kailangan pang may tissue eh may tubig na nga? Sagot nya eh tissue paper muna daw para kunti na lang  and then tubig naman.
Eh one time nag be briefing kami ng mga katrabaho ko, eh gustong mag banyo nitong isang Aleman sa ground floor samantalang may banyo naman kami sa kabilang pinto lang. Ayaw daw nya don dahil walang tissue paper.
Kwento naman nitong kaibigan ko wala daw water sprayer sa mga banyo sa Pransya ganon din sa Espanya kundi tissue paper lang ang mayron.Ibig sabihin itong mga taga europa eh nagpupunas lamang at hindi naghuhugas. Well I am not sure  about this.

Dito naman sa tinitirhan ko ngayon eh katulad din ng sa bahay ng pinsan ko, may water sprayer nga lang at bukod sa shower ay may bath tub pa. malinis mabango. take note ako po ang naglilinis nito.

Iniisip ko nga  kung ano pa ang maaring mangyari sa mga future banyo?   Robot na tagahugas?

Mabahong Paa treatment.

Karaniwan na sa locker room or sa changing room na maka amoy ng mabahong paa or sapatos kapag nagpapalit ng iniforme. Napakahirap huminga sa mga oras na ganon, na ang tanging malalanghap mo ay ang mabahong amoy na ito.

Naranasan ko rin dati na bumaho ang aking paa, ito naman ay sanhi ng parating pag apaw ng drainage ng kusina na pinag tatrabahuhan ko. Wala din akong pera noon para bumili ng sapatos na maayos. Splasher lang ang sapatos ko noon na kada buwan ay butas kaagad dahilan para pumasok ang tubig sa sapatos ko at mabasa ang medyas at bumaho ang aking paa. Nakaka irita nga at hindi ako makapag trabaho ng maayos.

Ang nakakatuwa nito. naka tsinelas lang kase ako pag pumapasok kase pangit ang porma kapag splasher ang suot pag papasok sa trabaho kaya mas okay pa ang naka tsinelas. Kaya yong splasher ko at yon uniform ko eh nasa bag ko, eh diba bago ka pumasok sa mga mall tsini tsik muna ng security yon mga bag. natatawa ako at nahihiya na rin kase naaamoy nila yon mabaho kung sapatos. Madalas kase after ng trabaho eh gumagala pa ako sa mga mall.

Hindi ko malilimutan yong mga panahon na yon. Mabuti nalang ngayon at ang company namin eh may sapatos na pino provide sa mga empleyado at higit sa lahat marami na akong medyas. Kaya segurado ako na hindi na bumabaho ang paa, sapatos ko.

Para maiwasan na bumaho ang inyong paa:
1. Dapat lang na araw araw kayo nagpapalit ng medyas, dahil ang medyas na nagamit sa buong maghapon eh puno na ng natuyong pawis at madumi na ito.
2. Seguraduhin na hindi basa ang paa bago mag medyas at mag sapatos.
3. Seguraduhin na malinis ang paa bago magsapatos, lalo na kung whole day nakasapatos.
4. Seguraduhin na tuyo at malinis ang sapatos at medyas na isusuot.

Hindi nyo na kailangan na bumili ng kung ano anong powder na pantanggal ng baho ng paa. Kung malakas mag pawis ang inyong paa eh normal po yon. Ang kailangan nyo pong bilhin eh 5  - 7 pairs of medyas para isa sa bawat araw.

Maximo Aton, Mabuting taxi driver

Dahil nga sa galing ng internet, social networking at ng media eh updated pa rin kaming mga OFW sa mga pangyayari dyan sa Pilipinas. Syempre nalulungkot kami sa mga masamang balita at natutuwa, proud naman sa magagandang balita.

Nitong mga nakaraang araw eh maraming balita tungkol sa mga taxi driver na nag sauli ng naiwang gamit ng kanilang pasahero. Katulad nga nitong si Mr. Aton kung saan eh naging viral or kumalat sa facebook ang picture nya at ang kwento kung paano nakilala ang kanyang pagiging huwarang taxi driver.

Nagsimulang kumalat ang kasikatan nitong si Mr. Aton ng e published ni Mr. Raine Cruz sa Facebook ang pangyayari kung saan naiwan ni Mr. Cruz at isa pa nitong kasama sa taxing minamaneho ni Mr. Aton ang isang bag na naglalaman ng laptop at cash. Na sa huli eh nag tagpo sila at naibigay ni Mr. Aton ang naiwang bag. Sa subrang tuwa ni Mr. Cruz eh ayon at nag simula na ngang kumalat sa facebook, sa media ang kasikatan dahil sa kabutihang loob ni Mr. Aton.

ayon sa interview sadyang mabait at malapit sa diyos itong si Mr. Aton kaya saludo po ako sa inyo. God bless you Sir.

More of the story will be found here...The ideal cab driver.

Mga Libangang mabuti sa abroad

Bilang isang Pilipino na lumaki kasama ang mga mahal sa Buhay, eh syempre nakakalungkot kapag mag isa ka lang na namumuhay sa ibang bansa. May mga kaibigan man tayong kasama eh iba pa rin kapag kasama natin ang pamilya.

Maraming mga gawain sa abroad na pwedi nating gawin maliban sa ating trabaho. Alam ko pagkatapos ng trabaho e madalas wala na tayong ginagawa kundi mag pahinga at mag relax. Minsan pag nag papahinga at nag rerelax tayo eh bigla tayong dinadalaw ng pagka inip, pagka homesick.  hindi tayo dapat na magpatalo sa pagkainip dahil nandito tayo sa abroad para sa mga pangarap natin para sa sarili natin at para sa pamilya. kay imbes na mainip ka eh humanap ka ng maari mong mapaglibangan para hindi ka mainip.

Itong room mate ko ngayon nag pe pinta sya, may mga paintings sya na nakakalat dito sa apartment namin. Yong isa ko pang kaibigan active sya sa Singles for Christ at dancer din sya sa organization nila.
At ako ito nagsusulat, kumakanta at gumagawa ng video.

Marami tayong mapapaglibangan hangat maari lamang eh iwasan natin yong libangan na nakakasira sa ating katawan, at pamayanan.

Maganda ang ang Buhay.





Perang Padala sa Pilipinas

Karaniwang eksena na dito sa middle east ang mahabang pila ng mga taong nagpapadala ng pera sa kanilang mga mahal sa buhay sa kani kanilang bansa. Nagunguna na dyan ang mga Pilipino lalo na sa katapusan ng buwan o tuwing sweldo.

Isa ako sa mga pumipila sa ganitong linya para magpadala rin sa aking kapatid, sa magulang at sa iba pa na humihingi. To be honest nagpapadala lang ako kapag may humihingi, pag naramdaman ko na medyo malaki sweldo ko, at  at pag may okasyon lang. kung dati mas priority ko ang bumili ng mga bagay na gusto ko, ngayon eh pag iipon naman sa bangko para sa future ko ang priority. Katwiran ko eh pag kailangan ng pamilya ko ng pera eh humimgi lang sila at bibigyan ko naman. May kanya kanya na kase silang pamilya at ang tatay ko na lang ang sinusuportahan ko. Mahirap lang din ang mga kapatid ko kaya anytime na humingi sila eh syempre may nakalaan ako.

Minsan naaawa ako sa mga kasama ko dito sa Dubai na  buong sweldo nila eh pinpadala nila sa kanilang pamilya. Bibihira silang bumili ng damit, hindi nanlilibri sa kainan, hindi updated sa gadget. Eh yong iba nga napansin ko eh kung ano yong dala nila galing sa Pilipinas 3 years ago eh yon pa ren ang gamit nila hanggang ngayon.

Sana nga lang eh nagagamit ng maayos yong perang pinapadala nila.  Hindi komo nasa abroad ang isang tao eh mayaman na yan or marami na yang pera. Natatawa nga kami pag ganon ang iniisip ng mga tao. Kase sa tutuo lang eh gipit na gipit  din dito lalo na yong mga nagpapadala sa mga pamilya nila sa Pilipinas. Madalas nga na nagkakautangan din kami kami dito para lang may maipadala dyan sa mga mahal namin sa buhay diyan sa Pilipinas.




Day off na naman.

Kadalasan kapag day off kami dito sa Dubai eh walang magawa sa bahay lalo na kung tamad ka, lalo na kapag mag isa ka lang at walang tropa na kasabay mag day off. Madalas kapag mag isa akong day off eh namamasayal akong mag isa sa mga mall, sa mga kalsada, sa mga park at sa mga beach dito sa Dubai. Medyo magastos mamasyal dahil madaming tuksong bilihin sa mga mall mga electronics na affordable namang talaga. Pagkain syempre hindi maiiwasan na kumain sa labas kapag namasyal ka, sa tulad ko eh sapat na ang parating Mc Donald at KFC at maswerte kapag may pinoy restawran sa lugar na pinuntahan ko. Syempre parati kong dala itong iPhone 4s ko para kumuha ng picture sa mga ineteresting na bagay katulad nito.



















Madami kang makikita dito sa Dubai, mga bagay na bihira mong makita dyan sa Pilipinas. May mga pakiramdam ka din na mararamdan na hindi mo mararamdaman dyan sa Pilipinas. Parati mong maii kumpara ang mga ibat ibang bagay sa Pilipinas at dito sa Dubai.











Niisip ko na maswerte ako at nagpapasalamat dahil  nagkaroon ako ng pagkakataon sa ganitong buhay. Life is really good, hanapin lang at abutin natin to.

Pinoy Video Blogging.

Shop Amazon Warehouse Deals - Deep Discounts on Open-box and Used Camera Equipment
Ganito talaga ang gusto, mag sulat, mag broadcast, mag video at mag share ng idea at mga bagay na nalalaman ko. Hindi naman ako matalino, sadyang gusto ko lang mag share. Nanghihnayang nga ako sa panahong lumipas eh dahil ngayon na medyo tumatanda na ako eh ngayon lang ako nagkaroon ng mga bagay na kinakailangan para makagawa  ng ganito. Unang una na itong computer, pangalawa itong telepono ko na may camera, pag may ganito kang gamit eh marami ka ng magagawa sa mundo ng blogging at pag susulat. Katulad ngayon iPhone 4S and gamit ko sa pagsusulat, at ganon na rin sa filming ng video.

Bihira akong makakita sa internet , sa youtube ng mga pinoy na nag ba  vlogging, natutuwa ako pag meron. maramiing pinoy pero hindi sa Pilipinas nakatira. Maswerte nga yong mga half pinoy na nag ba vlog sa US, canada kase pwede silang kumita sa youtube sa pamamagitaan ng Creators and Partner program ng youtube, may mga bansa lang na pwedi dito at ang Pilipinas ay hindi kasali.

Madami dami na rin akong video sa youtube na madalas eh ginagawa ko pampalipas ng oras at pang tangal ng inip pag day off ko. Wala nga lang ako gaanong manonood, hindi yata nila type yong mga video ko. May mga blog din ako tungkol sa trabaho ko bilang kusinero sa isang hotel kung saan nag c share ako ng mga recipe, procedures at sari saring bagay sa kusina. LEGUMIER ang name ng site subukan nyo pong dumaan.

Ito pong video sa baba eh isa sa mga video vlog ko.



Lala, Pantawid gutom


Dahil sa subrang pagtitipid eh madalas itong Lala lang ang kinakain ko lunch, breakfast or dinner. 

Sa Binangonan Rizal pa ako nakatira dati kasama ang dalawa kong kapatid na parehong namamasada ng sasakyan sa Rizal. Mura lang kase ang upa sa bahay doon nasa limangdaang piso lang ang upa sa isang buwan. Ang layo ng binabyahe ko, simula sa Binangonan hangang sa SM City Sta Mesa. Kailangan ko ng 3 oras na allowance para hindi ako ma late sa trabaho. Walong buwan ko rin na napagtyagaan ang ganon, akala ko nga eh mareregular ako dahil na extend ako ng dalawang buwan pero sumuko din ako at naghanap ng ibang trabaho.

Hindi libre ang pagkain sa Red ribbon may discount lang ang empleyado na 25% sa mga pagkain. pero syempre kahit na may discount yon eh mahal pa rin kung ikukumpara mo sa mabibili mo sa mga carenderia. Pag nakakaluwag ako eh Jollibee, Chowking ang lagi kung takbuhan para kumain, ewan ko pero wala pang foodpark (sm malls canteen in the parking area) noong panahon na yon, ( Food Park ay Carenderia na matatagpuan sa level parking ng SM Malls, sa megamall eh nasa 3rd floor parking area open yon sa public pero design para sa mga staff ng mall. sales lady etc.)
Pero madalas eh sadyang pinagkakasya ko lang ang sweldo ko kaya madalas eh Lala lang ang kinakain ko tuwing breaktime. Tubig at lala lang eh nakaka tawid gutom na rin. Ang pinoproblema ko minsan eh kung saan ko ito kakainin dahil walang kainan para sa staff sa loob ng kusina. Kaya madalas eh humahanap ako ng pwesto na walang gaanong dumadaan na tao, madalas e sa mga fire exit or sa mga stairways ng mall. Nahihiya akong kumain sa food court na yong lala lang ang kinakain ko.

International pala ang market ng lala dahil pati dito sa middle east eh makikita mo sya sa mga supermaket na nakahilira kasama ng Lays, Chitos at iba pang mga chitchiria. Mabinta naman dahil sa dami ng Pilipinong bumibili nito syempre ibang lahi din. Bahagi na parati ng grocery ko ang Lala pag napapadaan ako sa supermarket. Nag e stock ako nito ng 3 piraso para sa emergency gutom.

Lumipat na ako sa iPhone 4S

Bago ako umalis sa Pilipinas noong 2008 ay ibininta ko sa Greenhills ang telepono ko na Nokia N73 dahil buong akala ko noon eh hindi ko ito magagamit dito sa Dubai. Kaya pagdating ko dito eh telepono kaagad ang binili ko sa unang sweldo ko. Dahil sa mga panahon na yon eh Nokia n73 pa rin ang pinaka maganda kaya n73 pa rin ang nabili ko. natagalan na sa akin yon hanggang napabili nga ako ng Samsung Jet na maganda lang sa una pero natagalan na rin sa akin dahil maganda ang camera nya at video. Camera kase ang pinaka gusto ko na features ng telepono kaya hindi ako gaanong na engganyo na bumili ng iphone noon dahil kung iku kumpara ko eh mas maganda kesa iphone and camera ng nokia at samsung.

  Pero nitong dumating ang iPhone 4S e na engganyo ako sa camera, sa Siri, at sa dami ng applications na pweding e install dito. Bukod pa dyan eh halos may mga applications na sadyang sa Iphone 4s lang gumagana at sadyang ginawa. katulad nga ng vocalive. Ang Vocalive e recording software para sa ios device na katulad ng iPod, iPhone at iPad kaya katulad ko na mahilig magkakanta eh syempre kailanagn ko yang application na to.

Kahit na mahal ang iPhone 4S e wala naman akong regret dahil sulit na sulit ang pag gamit ko nito. Isipin mo yon halos P30,000 ang isa eh kung ordinaryong empleyado lang ako dyan sa Pilipinas e seguradong hindi ako makakabili nyan kahit na Pasko.... Naalala ko tuloy na tuwing pasko eh madami akong pera dahil yan yong panahon na ibinibigay sa amin yong 13th month pay at saka bonus.

Ang mamahal nga lang ng accessories ng iPhone kaya kung mahilig ka sa mga accessories eh mapapagastos ka ng malaki. Hindi ko lang alam dyan sa Pilipinas kung mahal ba o mura kase dito sa Dubai e napakamamahal. Isipin mo ang isang iPhone case eh nagkakahalaga ng 130 AED eh pag ni convert mo yan eh nasa 1400 pesos. May nabili ako dito na murang iphone case 3 aed lang nasa 35 pesos pero subarang sale naman yon may mga gasgas nga at nong sinukat ko eh medyo masikip kaya hindi ko rin nagagamit.

Kung mahilig kayo sa telepono eh okay ang iPhone 4s daming features.

What is life after working abroad?

Sa mga panahong ito na nararamdaman ko na nagsasawa na din ako dito sa Dubai eh iniisip ko kung saan or ano ang kasunod sa magiging buhay ko.

Tatlong taon na rin ako dito sa Dubai and to tell you honestly eh wala pa akong gaanong ipon and to be exact eh mga limampong libo pa lang ang pera ko sa bangko. at alam naman natin na ang ganitong halaga eh hindi sapat sa Pilipinas lalo na nga at kung wala kang seguradong plano sa perang ito. Itong limampong libo na ito eh inipon ko simula pa noong september 2011, ganyan kahirap mag ipon dahil nga sa dami ng tuksong bilihin dito. Kwento nga ng ibang tao na mabuti daw mag trabaho sa barko dahil malayo sa mga gastusin, ganon din daw sa mga bansa na katulad ng saudi kung saan naman eh walang tukso na gumimik sa mga bar. Masaya naman dito sa dubai at maganda ang buhay kahit pa sabihin natin na walang bayad ang overtime work, ang nakakapag palungkot lang naman dito eh yong dahil malayo ka sa mga mahal mo sa buhay, sa pamilya.

Hindi maiiwasan na maging topic namin ito sa minsan naming usapan ng mga kaibigang pinoy dito. kumusta anong plano? Ako bilang hindi naman kagalingang kusinero eh syempre gusto ko pa sana na makapag kusinero sa iba pang mga bansa at kung maaari sana eh hindi na sa mainit na middle east. UK, US, Australia at Canada syempre ang ilan sa mga popular na destinasyon na gusto ko ring maka pag trabaho. Pero bilang pinoy na ikukumpara mo sa mga italiano or mga europianong kusinero eh syempre mas malaki or doble ang chance nila na maka pag trabaho sa kahit saang bansa na gustuhin nila katulad nga ng maga kasamahan ko dati na ngayon ay nasa ibat ibang bansa na. Pagtatrabaho sa Pilipinas bilang kusinero eh isa sa mga plano pero alam naman natin na hindi ganon kalaki kumpara sa kinikita dito sa abroad. Ilan ang mga sumusunod sa mga naiisip kong plano sakaling magbalik Pilipinas ako.
1. Magtayo ng Karendeia sa probensya.
2.Magtayo ng Cellphone shop na katulad ng sa greenhills.
3.Magtayo ng computer shop.
4.Mag alaga ng baboy
5.Magsaka.
6.Ipagpatuloy at mag focus sa pagsusulat ng blog na katulad nito.
7.Magtrabaho sa call center pero hindi naman ako magaling mag english. mukhang malabo.

Ilan ang mga ito sa mga naisip ko pero hindi ko naman priority yan. Mas gusto ko pa rin talaga na makapagtrabaho sa mga lugar na aking nabanggit. At ang mahalaga sa ngayon eh mag ipon muna ako para kahit papano eh naka handa ako sa ibat ibang posibilidad ng buhay. Kaya nga ang parati kong panalanagin eh bigyan at panatilihin akong malusog ng ating Panginoon Diyos.