My Bitcoin and other Cryptocurrencies are keep on growing

My portfolio just reached A$4010.57, it all started with just A$487.65 Today is October 20, 2021, My first day at work after almost three mo...

What is life after working abroad?

Sa mga panahong ito na nararamdaman ko na nagsasawa na din ako dito sa Dubai eh iniisip ko kung saan or ano ang kasunod sa magiging buhay ko.

Tatlong taon na rin ako dito sa Dubai and to tell you honestly eh wala pa akong gaanong ipon and to be exact eh mga limampong libo pa lang ang pera ko sa bangko. at alam naman natin na ang ganitong halaga eh hindi sapat sa Pilipinas lalo na nga at kung wala kang seguradong plano sa perang ito. Itong limampong libo na ito eh inipon ko simula pa noong september 2011, ganyan kahirap mag ipon dahil nga sa dami ng tuksong bilihin dito. Kwento nga ng ibang tao na mabuti daw mag trabaho sa barko dahil malayo sa mga gastusin, ganon din daw sa mga bansa na katulad ng saudi kung saan naman eh walang tukso na gumimik sa mga bar. Masaya naman dito sa dubai at maganda ang buhay kahit pa sabihin natin na walang bayad ang overtime work, ang nakakapag palungkot lang naman dito eh yong dahil malayo ka sa mga mahal mo sa buhay, sa pamilya.

Hindi maiiwasan na maging topic namin ito sa minsan naming usapan ng mga kaibigang pinoy dito. kumusta anong plano? Ako bilang hindi naman kagalingang kusinero eh syempre gusto ko pa sana na makapag kusinero sa iba pang mga bansa at kung maaari sana eh hindi na sa mainit na middle east. UK, US, Australia at Canada syempre ang ilan sa mga popular na destinasyon na gusto ko ring maka pag trabaho. Pero bilang pinoy na ikukumpara mo sa mga italiano or mga europianong kusinero eh syempre mas malaki or doble ang chance nila na maka pag trabaho sa kahit saang bansa na gustuhin nila katulad nga ng maga kasamahan ko dati na ngayon ay nasa ibat ibang bansa na. Pagtatrabaho sa Pilipinas bilang kusinero eh isa sa mga plano pero alam naman natin na hindi ganon kalaki kumpara sa kinikita dito sa abroad. Ilan ang mga sumusunod sa mga naiisip kong plano sakaling magbalik Pilipinas ako.
1. Magtayo ng Karendeia sa probensya.
2.Magtayo ng Cellphone shop na katulad ng sa greenhills.
3.Magtayo ng computer shop.
4.Mag alaga ng baboy
5.Magsaka.
6.Ipagpatuloy at mag focus sa pagsusulat ng blog na katulad nito.
7.Magtrabaho sa call center pero hindi naman ako magaling mag english. mukhang malabo.

Ilan ang mga ito sa mga naisip ko pero hindi ko naman priority yan. Mas gusto ko pa rin talaga na makapagtrabaho sa mga lugar na aking nabanggit. At ang mahalaga sa ngayon eh mag ipon muna ako para kahit papano eh naka handa ako sa ibat ibang posibilidad ng buhay. Kaya nga ang parati kong panalanagin eh bigyan at panatilihin akong malusog ng ating Panginoon Diyos.

No comments:

Post a Comment