Bago ako umalis sa Pilipinas noong 2008 ay ibininta ko sa Greenhills ang telepono ko na Nokia N73 dahil buong akala ko noon eh hindi ko ito magagamit dito sa Dubai. Kaya pagdating ko dito eh telepono kaagad ang binili ko sa unang sweldo ko. Dahil sa mga panahon na yon eh Nokia n73 pa rin ang pinaka maganda kaya n73 pa rin ang nabili ko. natagalan na sa akin yon hanggang napabili nga ako ng Samsung Jet na maganda lang sa una pero natagalan na rin sa akin dahil maganda ang camera nya at video. Camera kase ang pinaka gusto ko na features ng telepono kaya hindi ako gaanong na engganyo na bumili ng iphone noon dahil kung iku kumpara ko eh mas maganda kesa iphone and camera ng nokia at samsung.
Pero nitong dumating ang iPhone 4S e na engganyo ako sa camera, sa Siri, at sa dami ng applications na pweding e install dito. Bukod pa dyan eh halos may mga applications na sadyang sa Iphone 4s lang gumagana at sadyang ginawa. katulad nga ng vocalive. Ang Vocalive e recording software para sa ios device na katulad ng iPod, iPhone at iPad kaya katulad ko na mahilig magkakanta eh syempre kailanagn ko yang application na to.
Kahit na mahal ang iPhone 4S e wala naman akong regret dahil sulit na sulit ang pag gamit ko nito. Isipin mo yon halos P30,000 ang isa eh kung ordinaryong empleyado lang ako dyan sa Pilipinas e seguradong hindi ako makakabili nyan kahit na Pasko.... Naalala ko tuloy na tuwing pasko eh madami akong pera dahil yan yong panahon na ibinibigay sa amin yong 13th month pay at saka bonus.
Ang mamahal nga lang ng accessories ng iPhone kaya kung mahilig ka sa mga accessories eh mapapagastos ka ng malaki. Hindi ko lang alam dyan sa Pilipinas kung mahal ba o mura kase dito sa Dubai e napakamamahal. Isipin mo ang isang iPhone case eh nagkakahalaga ng 130 AED eh pag ni convert mo yan eh nasa 1400 pesos. May nabili ako dito na murang iphone case 3 aed lang nasa 35 pesos pero subarang sale naman yon may mga gasgas nga at nong sinukat ko eh medyo masikip kaya hindi ko rin nagagamit.
Kung mahilig kayo sa telepono eh okay ang iPhone 4s daming features.

No comments:
Post a Comment