Wala akong muwang noong nasa Pilipinas pa ako na ang karne pala ng baka (beef) ay kinakain kahit na hindi gaanong luto. Nakagisnan na nating mga pinoy ang pagkain ng basta lutong karne at wala tayong muwang lalo na tayong mga mahihirap na mayron palang tinatawag na rare, medium rare, medium well at well done na pagkakaluto ng karne. Lalo na kung hindi tayo nakakapunta sa mga sosyalan na restauran na puntahan ng mga mayayaman.. Nasanay na kase tayo sa mga food court at mga fastfood kung saan eh well done at over cooked ang mga pagkain.
Kahapon we have a guest anim sila I think mga Hapon or Intsik. Omorder sila ng set menu, four course kung saan may starter na salad at cold cuts, second course na saffron risotto with osso boco, main course na beef tenderloin. Then desert na pipiliin na lang nila sa vitrine.
Kapag hindi kami gaanong busy eh ugali ko na ang tingnan sa may dishwashing area ang mga plato na pinagkainan ng guest, tinitingnan ko kung naubos ng guest yong mga pagkain na niluto namin. Pati basurahan eh sinisilip ko pa dahil baka naitapon na don ng waiter yong mga natira.
Nalungkot at nanghinayang ako nang makita ko na halos hindi nabawasan yong beef tenderloin na kanilang inorder. Inisip ko rin na baka hindi sila kumakain ng medium rare na pagkakaluto ng karne. If that is the case eh kasalanan ng waiter dahil responsibilidad nila na tanungin or kung maaari eh ipaliwanag nila sa guest kung paano nila gusto ang pagakakaluto ng karne.

No comments:
Post a Comment