There maybe people dreams of becoming a carpenter or a salesman but I don't think there is person dreamed of becoming a Domestic Helper.
From Domestic Helper to CEO Story.
Tagpuan ng mga Pinoy sa Abroad
It is very common to see Filipinos in every countries McDonalds, KFC, Jollibee, and other Fast-food or restaurant na malapit sa puso ng bawat Filipino. Ito madalas yong nagiging tagpuan nating mga Pinoy sa ibat-ibang bansa.St. John Cathedral. Ito ang tagpuan ng mga kababayan nating Filipino na nagtatrabaho sa Kuala Lumpur, mapapansin na nagkakaron ng tiangge sa mga bangketa sa paligid ng Cathedral at napupuno din ng mga Filipina ang mga restaurant dito tuwing araw ng Linggo. Kanya kanyang kwento at tawanan at ang iba naman eh nag ne negosyo.
Orchard Road. Ang Orchard Road naman sa Singapore eh ganon din ang scenario lalo na sa araw ng Linggo. Napupuno din ng mga kababayan natin ang lugar kung saan naglalakihan ang mga shopping mall. Kapansin pansin din ang ka sweetan ng mga kababayan nating pinay kasama ang mga nobyo nilang ibang lahi.
Hongkong Central. Natural na sa ating mga Filipino ang pagiging masayahin kaya naman ganyan din ang sitwasyon sa Hongkong Central tuwing araw ng Linggo.
Success Story
Isa si Ms. Xyza Cruz Bacani sa mga kababayan natin na nagtatrabaho sa Hongkong bilang isang kasambahay, pero sa halip na tumambay sa Hongkong Central or matulog maghapon eh mas ginugusto nyang gawin ang kanyang libangan at yan ang Photography."When I'm wearing my camera, I'm not a helper anymore, I'm an ordinary girl. It's a way of protection because when you're a helper here there is a kind of stereotyping that they do"
"Pag dala ko ang camera ko, hindi na ako katulong, ordinaryong babae ako. Parang proteksyon ko kase ito, kase pag katulong ka parang iba ang tingin sa yo ng ibang tao"
Kilala si Xyza sa black&white street photography katulad ng 2014 Hong Kong Street Protest sa Central, ganon din ang kuha ng mga larawan ukol sa buhay ng ibang domestic helpers. At dahil sa angkin nyang talento, katayuan sa buhay at sa mga kuha nyang larawan, Xyza Cruz Bacani was chosen para mag aral sa New York University's Tisch School of the Arts. She is one of the seven people from different country selected by the Human Rights Fellows by the Magnum Foundation.
Sa kasalukuyan eh isa sya sa BBC100 Women of 2015.
BBC100 Women 2015[/caption]
Bilang isang Filipino na nagtatrabaho sa ibang bansa, alam natin na ang tanging dahilan ay ang kahirapan sa Pilipinas kaya napipilitan tayong iwanan ang mga mahal natin sa buhay. Alam natin na hindi pang habambuhay ang pagtatrabaho sa ibang bansa lalo na nga kung alam natin na walang namang pag angat or magandang future ang isang trabaho na katulad nga ng pagiging Domestic Helper, waitress, factory worker at kung ano ano pa.
Kung sakali na kabilang tayo sa ganitong proffession bigyan natin ang sarili natin ng pagkakataon na gawin ang bagay na sa palagay natin eh makakatulong sa ikakabuti ng ating future. Ang internet eh isang mabisang paraan para madagdagan ang ating kaalaman para sa magandang kinabukasan and at the same time eh para kumita ng extra income.
May mga tutorial, may mga blog of experiences, may mga online school, may sari spring mga instruction at procedure kung papaano makaalis sa pagiging domestic helper. Walang masama sa pagiging domestic helper pero ang ganitong profession eh walang pag angat, walang pag asenso at malayo sa pamilya.
Source:wikipedia, XyzaCruzBacani