My Bitcoin and other Cryptocurrencies are keep on growing

My portfolio just reached A$4010.57, it all started with just A$487.65 Today is October 20, 2021, My first day at work after almost three mo...

May masasamang Tao sa Airport. Mag ingat.

Laglag Bala sa NAIA

Nakakalungkot isipin ang mga pangyayari sa Pilipinas, Isa ang laglag bala sa mga bagay na kinatatakutan ko kung sakaling uuwi ako sa Pilipinas. Masakit mang isipin pero ang mga bagay na ito eh intentional na gawain ng ibang tao para kumita ng pera. May maayos na trabaho na sana sila pero hinahaluan pa nila ng panlalamang sa kapwa para lamang madagdagan ang kanilang kita.                                                                                                               Maraming Pilipino ang walang trabaho sa Pilipinas, karamihan dito eh umaasa sa padala ng kamag anak na nagtatrabaho sa ibang bansa. At ngayon bibiktimahin nila itong OFW na kung iisipin eh maapiktuhan din yong mga taong umaasa sa kanya. Napaka makasarili nitong mga taong ito sa NAIA na gumagawa ng ganito kasamang panlalamang sa kapwa.




Pocket Knife sa DXB

Noong umalis ako sa Dubai, naisama ko sa pouch ng mga charger at electronics accessories yong Victorinox pocket knife ko na nakalagay sa backpack na hand carry ko sa eroplano, na scan ito ng Dubai Police sa Xray machine ng airport. Hindi ko natatandaan na nandon yon hinanap ng Pulis at kinuha lang nila at ako ay malayang nakalipad papunta sa Europe without any question.


Pocket Knife vs Bullet (Bala)

Ang knife being a knife is ready to kill people, pero ang bala bagamat delikado rin eh kailangan pa nito ng baril para maka pinsala ng matindi. Ano ba ang posible na magagawa ng bala kung wala namang baril?

Ngayon na alam na natin na may masasamang tao sa NAIA, at walang ginagawang sulusyon ang pamahalaan or kahit na mayron pa man eh kailangan pa rin nating mag ingat. Kung sakaling pupunta tayo sa Airport para sumakay ng eroplano o kung ano pa man dapat nating e consider and comfortability natin sa pagdadala ng mga bagahe or kahit na anong bag. Consider doing the following.

  1. Choose the bag or maleta na walang gaanong pitak or bulsa.

  2. Double check the content of your bag bago lumabas ng bahay.

  3. Double check ulit pag dating sa airport bago isalang sa Xray Machine ang Maleta, Bag at pati na rin ang bulsa ng suot mong damit at pantalon.

  4. Ibalot ng Cling Film or Plastic wrapper ang maleta for added security, bago umalis ng bahay or bago ito ipasok sa Xray machine. Some of this wrapper comes with insurance katulad sa Dubai.

  5. Keep an eye on your bags/ luggage habang ipinapasok ito sa Xray machine. Ganon na din sa mga tao na lumalapit sa yo ingat sa kanila.

  6. You just need to be careful and dapat may knowledge ka din sa mga bagay na dapat at hindi dapat, kung ano ang mabuti, kung ano ang okay lang at kung ano ang hindi talaga pwede.
Itong mga masasamang tao na ito eh humahanap ng pagkakataon sa mga taong akala nila eh malalamangan nila.

Ingat Kabayan, Happy trip.

No comments:

Post a Comment